MGA NAKAKAHIYA AT NAKAKATAWANG PANGYAYARI SA BUHAY

SWEET CRISTINE JOY ESCABUSA
EMILY ALMAGOT
JOHN LLOYD APARRE
11-NEWTON



Magandang Araw! Naniniwala ako na marami sa atin ang may nakakatawang pangyayari sa buhay kung kayat gusto naming ibahagi ang aming mga karanasan.
Merong nakakatuwa at nakakatawang karanasan natin sa highskul. Nakakatuwa ‘yung mga panahon na nakakausap mo si Crush o di kaya’y lagi mo siyang nakakasama. ‘Yung mga panahon na kasama mo ang mga barkada sa mga kalokohan at paglalakwatsa(kasama na dun ang pagliban sa klase).

Mga panahon na malaki ang grades mo at may mga panahon na maliit at ‘yung time na pagagalitan ka ng mga magulang mo dahil sa mga bagsak mong grades. Lalabas na ‘yung mga pangungusap ng magulang mo gaya ng “Hindi ka kasi nag-aaral at Puro ka kasi lakwatsa at minsan Grounded ka na nakakalungkot.”

Marami ding nakakatawa na mga experience lalo na ‘yung mga "embarrassing moments sa high school". Hindi man natin sinasadya ang mga pangyayari pero ang lahat ng ito ay kusang nagaganap at hindi natin mapipigilan dahil kasama na ito sa kasaysayan, mga karanasan, experience sa ating pag-aaral.

ITO ANG ILAN SA MGA NAKAKAHIYANG KARANSAN NG IBAT IBANG ESTUDYANTE BASE SA AMING SURBEY:
Piyok - Ito ‘yung panahon ng pagbibinata o pagdadalaga ng mga babae. Pero kadalasan nangyayari ito sa mga lalaki. Nakakatawang isipin pag may mga kaklase ka na pumipiyok habang nag rerecite o nagbabasa ng libro sa harap ng klase. Na experience ko ito noong 2nd year. Parang walang araw na hindi ako pumipiyok sa pagsasalita. Pinagtatawanan ka na ng mga kaklase mo at pati na rin ng guro dahil pinapabasa ka ng libro sa harap ng klase. At mas lalong nakakahiya kay Crush.DI BA?


Sipon - Kapag may sipon ka, kailangan mo talagang ilabas yan. Wag mo nang patagalin hanggang sa dumating ‘yung lolobo na ang sipon mo. Nangyari ito sa isa kong kaklase sa GRADE 7 na habang nag-uusap kaming mga magkakatabi sa upuan ay dumating sa punto na ‘yung topic ay nakakatawa. ‘Yung nangyari ay sobrang nakakatawa. Nangyari ang di inaasahan. Lumubo ang kanyang sipon at grabe ‘yung tawanan namin at dahil sa nangyaring ‘yun, minsan siya’y nagiging topic sa mga usapan.Hindi panaman yun madaling malimutan.



Dalaw - Panahon na may dalaw ka at hindi mo alam anong gagawin. Di ka mapakali palagi kasi   baka may makakita/makaamoy ng dugo. Parang ayaw mong umupo sa upuan kasi baka magka-stain ang upuan ng dugo. Madalas akong maka encounter ng ganitong problema ng mga kaklase kong babae at minsan kami din ni Emily.(sweet here)

Putok - Pinakasamang panaginip na nangyari sa iyong buhay sa high school. Nangyayari to kapag nakalimutan mong maglagay ng deodorant sa kili-kili mo dahil sa pagmamadali mo. Kadalasan nangangamoy ang kili-kili mo pag dating ng hapon o minsan kahit sa umaga pag pinagpawisan ka masyado. Nakakainis dahil hindi mo alam ang gagawin. Patay-mali ka na lang sa mga kaklase mo. Ang masaklap pag mahangin minsan o di kaya’y may electric fan, siguradong makakaamoy ‘yung katabi mo.Minsan din kapag gumagamit kayo ng Computer Lab tapos aircon ang ginagamit at nangangamoy ang kaklase ko .ANG BAHO TALAGA ! HAHAHA. NAKAKAHIYA TALAGA!


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito