Ang Pagkakaibigan 

By: John Lawrence D.Romano
 Lowie Jay Tumimbang 
Adrian Madjos
Joevel Almazan
Phillip Simbajon

Ito ang blog na tungkol sa pagkakaibigan, para sa inyo ano ba ang pagkakaibigan? sakin ang pagkakaibigan ay hindi sinusukat sa kabaitan,katalinuhan,kagwapuhan, at kagandahan, ang pagkakaibigan kasi nabubuo sa simpleng pakikipag usap pakikipag kilala at pakikipag kapwa,
sisimulan na namin ang aming mga karanasan sa mga pagsasama naming mga magkakaibigan sana'y kayo ay masiyahan at maunawan ng maayos ang aming naisulat na blog at maraming salamat dahil napili ninyong basahin ang aming blog.


Lahat naman siguro tayo may ginagampanang posisyon sa ating pagiging kaibigan tulad ko minsan ako yung R.K(Rich Kid) Daw ng barkada nandyan din yung JOKER ng barkada B.I(Bad Influence) sa barkada Source Code ng barkada siyempre di mawawala yung isang tao na TANGA sa barkada,di talaga makukumpleto ang araw ng mga magkakaibigan ang kung walang magagawang krimen (Hindi Naman Yung Masamang Krimen Katuwaan Lang).

Saming magkakaibigan meron yung Inosente kunwari ang muka pero masama pala ang budhi, Yung Joker namin na akala mo palaging masaya pero pag talikod pala balik nanaman siya sa kanyang mga problema, ako yung Rich Kid na gastos dito gastos doon akala mo wala ding problema pero araw araw meron palang dinadala na mga problema.


Sa panahon ngayon mahirap na talagang mag tiwala sa mga tao na kahit kilala mo ng lubusan di mo parin maiiwasang pag hinalaan, minsan maraming pagduruda na dumadating pero sa tuwing kasama ko yung dalawa kong kaibigan naiisip ko na palaging kumpleto at walang magiging problema sa tuwing kami ay mag kakasama.

Minsan meron kaming naging maliit na pag kaka ilitan ng aking mga kaibigan konting hindi pag kakaunawaan ang mahirap kasi sa sobrang pagtitiwala sa isang tao ay masama kasi di mo namamalayan na sinisiraan kana pala, pero kahit ganun di mo paring matiis yung mga kaibigan mo kasi naging parte na sila ng buhay mo.


Piliin at hanapin natin ang kaibigang totoo at kaya kang damayan sa iyong mga problema sa ano mang oras, yung kaya kang taggapin kahit ano man ang estado ng buhay mo. Mahirap hanapin ang tunay na kaibigan sa panahon ngayon kasi ang iba ay mga manloloko at gagamitin ka lang ngunit bahagi nito ng kanyang buhay. Kung maghahanap tayo ng tunay na kaibigan dapat ay kilalanin natin sila at dapat maging tapat tayo sa ating mga kaibigan upang maging tapat din sila sa atin. Alam namin na mahirap na silang hanapin sa mundong ito ngunit kailangan nating magkarron ng tunay at tapat na kaibigan upang mayroon tayong sandalan sa ating mga problema at karamay sa oras ng kagipitan dahil ang kaibigan ay parang ikalawang pamilya ng ating buhay.

Kaibigan sila yung nag papasaya sa atin satuwing malungkot tayo at nag iisa, sila din yung ng aasar at sila ang tumutulong upang malutas at malagpasan natin ang ating mga problema sa pamilya at sa ating buhay. Kaya wag natin silang sayangin dahil bihira nalang ang tunay na kaibigan sa panahon ngayon. Mahalin Natin sila gaya ng pag mamahal natin sa ating sarili. "KAIBIGAN sila yung nag lalait kapag nakaharap tayo ngunit ipinag mamalaki tayo kapag tayo'y naka talikod".












      

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA NAKAKAHIYA AT NAKAKATAWANG PANGYAYARI SA BUHAY