Ang Buhay ng High School


                    Sinasabi ang pagiging ''High School'' ay isa sa mga pinakamasaya , maganda, at
 punong-puno ng eksperyensya na yugto sa buhay ng estudyante. Tama , naniniwala ako dahil dito ko kasi nakilala ang tunay kung kaibigan . naalala ko pa noon noong ako'y nasa baitang 10 pa ako. May isang kaibigan akong palagi kung kasama , nakakulitan ko araw-araw at tsaka nakasabay ko sa pag-sasayaw at pagkanta . Ngunit noong grumaduate na kami lumipat na siya ng paaralan, iniwan niya ako at hindi na siya nag paparamdam.

                  Ngunit sa kabila ng lahat ng yun masaya ako dahil naging kaibigan ko siya at marami kaming pinagsamahan na hindi ko makakalimutan . Nakalipas ang ilang buwan nagkita kami sa isang mall. Sa hindi ko inaasahan ay lumapit agad siya sa akin at yinakap akong mahigpit na mahigpit.

                 Akala ko sa nakalipas ng ilang buwan aykinalimutan niya na ako pero yun pala ay hindi pa. Naaalala pa pala niya ako simula noong lumipat na siya ng paaralan . Masayang-masaya ako sa araw na iyon kaya mula noong nagkita kami palagi niya na akong binibisita sa aking paaralan . Pero kung may kaibigan man ako o wala masaya naman ako , dahil nakarating at nakatapos ako sa High School .Marami mang mga alaalang mahirap kalimutan pero mas pinili kung harapin ang bagong bukasna mag-isa .

                Ako nga po pala ang isang miyembro ng blog na ito . Gusto ko ring ibahagi ang aking karanasan sa panahong ako'y High School pa lamang. High School? yan ang salitang parang ang hirap kalimutan, sa High School life kasi ang pinakamasayang alaala sa aking buhay . Maraming kaibigan, maraming kakilala, at meron ding kaaway. Sa High School ko rin mas nakilala kung ano talaga ako. Mas sa High School life ako mas komportable , dahil sa mga taong tanggap kung ano ako. Sa High School ko rin nararanasan kung gaano pala kahirap ang mag -aral lalo na napapabayaan mo na ito,

               Bagamat gayun sa High School life rin akong natuto kung paano harapin ang mga araw na ikaw lang. Masaya ang buhay lalong lalo na't nandiyan ang mga kaibigan mo. Gusto ko lang iparating sa inyo na habang nag- aral pa magsikap lang at magtiwala . Diyan mo makikita ang iyong hinaharap, at kapag nagsikap ka sa iyong pa-aaral makakamit mo ang iyong buhay. Dapat lang magsikap para sa pagdating ng panahon ay may makakamit kana ng magandang buhay , makakapagtrabaho, at  para din matulongan ang iyong mga magulang . Sa pagdating ng panahon namakapag-asawa ka ay may magandang kinabukasan ang iyong mga anak .Hindi nila mararanasan ang mapait na buhay , dapat huwag nating sirain ang ating kinabukasan.

             Sa High School  natin mas nararanasan kung paano ang buhay, buhay na mahirap pala pero ang High School life ay isa ring suliranin na kailangan matapos, matapos na may mag bit-bit na galak , dahil sa mga alaala , payo, tawanan, kaibigan at di pagkakaunawaan . Depluma na maipagmalaki .

            Sa High School life din tayo unti-unting nahuhubog , nahuhubog ang ating isip at buong pagkatao. 




                                                                                 BLOGGERS:
                                                           
                                                       Cindy Demeterio
                                                       Cedrick Franz Enoy
                                                       Gerlie Lean Caballero
                                                       Roger Salih 

               

                

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA NAKAKAHIYA AT NAKAKATAWANG PANGYAYARI SA BUHAY