Buhay sa High School

  Buhay sa High School

   Sobra akong nagtataka kung ano ba talaga ang feeling ng salitang "High School Life". Pagtinatanong ko yung mga ate ko parating sinasagot nila na; "Ahh! High School Life? Masaya yan!" Kaya ganun nalang siguro ang labis kong pagtataka at pagkasabik na maging isang High School Student. Parang ang sarap pakinggan ng salitang High School Life tila ba ang sarap maranasan,at maging isa sa kanilang kasiyahan. Ngunit ang tanong paano na yan? Masyado pa akong bata at ako'y nasa ikalimang baitang pa lamang sa elementarya dito sa pampublikong paaralan. Kung tutuusin mahaba-haba pa ang aking lalakbayin at hihintayin upang maging isang ganap na mag-aaral sa sekondarya. Ngunit sa bawat araw na nagdaan unti-unti akong kinakabahan. Magkahalong emosyon ang aking nadarama tuwa, pananabik, at kaba. At sa kabila ng lahat hindi pa rin nawawala sa akin ang pagkasabik na maging isang High School Student. Sabi ng aking mga nakatatandang kapatid na ang High School Life daw ay may apat na yugto patungo sa tagumpay.

     First Year o yung tinatawag nilang "Freshmen" ito yung stage na kung saan bagohan ka sa pagiging High School Student. Ito yung sabik na sabik ka sa mga bagong activities, reports, at higit sa lahat di mawawala ang pagkakaroon ng sinasabi nilang "Crush ko yan!" sa mga Idol o hinahangaang mga Senior Students. Ito din yung stage kung saan ang mga esudyante ay hindi pa nakakamove-on sa mga larong pambata, takbo dito, takbo doon na tilay hindi pa tapos at handa sa high school life.

     Second Year o yung tinatawag nilang "Sophomore" ito yung stage kung saan sinasanay na ang mga estudyante sa pagkakaroon ng mga iba't ibang paligsahan at patimpalak. Dito rin unti-unting natutunan ng mga estudyante ang mga kalokohan kagaya ng pag cutting of classes, over de bakod challenge, at iba't ibang uri ng tuksuhan. Dito rin nagsisimula ang pagbuo ng kani-kanilang mga grupo o "Squad" na kanilang bagong barkada.

      Third Year o yung tinatawag nilang "Junior" ito yung stage na kung saan ang mga estudyante ay mas lumalala sa kanilang kalokohan, mas nagiging focus sa iba't ibang uri ng barkadahan. Gala dito, gala doon, pero ito yung stage na kung saan mas nagiging competitive ang mga estuyante sa mga patimpalak sa kanilang paaralan. Sabi din nila ito daw yung pinakamasaya at magandang year sa lahat.

      Fourth Year o yung tinatawag nilang "Senior" ito yung stage na kung saan ang mga estudyante ay nagsisimula ng magsunog ng kanilang kilay para makasagot sa kanilang pagsusulit. Kanya-kanyang nagtatawanan sa mga namamagang mga mata o eye bugs dahil sa labis na pagpupuyat para makapasa sa nalalapit ng quarterly exam. Ito yung stage na ginagawa ang lahat para makagraduate at makahawak ng inaasam na diploma. Kaniya-kaniyang diskarte sa pangongopya at pag di mo pinakopya sinasabihan kang; "Ikaw lang ba ang gustong maka-graduate?"

      Ngunit gaano man daw kasaya itong sinasabi nilang High School Life lahat ay magtatapos at may hangganan. Sa pagmartsa ng mga estudyante at sa paghawak ng pinaka inaasam na diploma unti-unting bumubuhos at pumapatak ang mga luha sa kanilang mga mata. Kahit gaano man kasaya ang paghagis ng graduation cap di mo mapapawi ang lungkot at pighati na kanilang nadarama na ang katotohanan ay iiwan na nila ang isa't isa at yung salitang "Paalam na" dahil sa susunod na pasukan iba na ang kanilang paaralang papasukan. Ang iba ay magpapatuloy sa kanilang pag-aaral sa kolehiyo ngunit ang iba'y maghahanapbuhay upang maagang makatulong sa kanilang mga magulang. Kahit gaano kasakit ang paghihiwalay ng bawat isa, gusto ko pa ring maging isang High School Student. Ang pananbik sa aking puso ay hindi nawawala at titiyakin kong ang bawat year ng High School Life ko ay magiging masaya at makabuluhan at mag-iiwan sa akin ng magandang ala-ala.



                                                          Bloggers:
Dhaniza  E.Tanghal    
 Jerry Jane S. Mateo    
Jannine P. Circulado    
Eloise Ella D. Ballesteros

Grade 11 NEWTON    

                                                                      



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA NAKAKAHIYA AT NAKAKATAWANG PANGYAYARI SA BUHAY