Bullying 


               Sa tingin ninyo ano ang bullying? Paano nga ba ito nakakaapekto sa tao? Ano kaya ang naidudulot nito? Ito ba ay  mabuti o masamang gawain? Nakakatulong kaya ito sa atin? Bakit nga ba may mga bully? Ilang beses ka na bang pinaiyak ng bullying? 

              Ang bullying ay isang napakatotohanan na nangyayari na dito sa ating bansa. Sa buhay ng mga tao, hindi mawawala ang mga taong gustong gawing miserabli ang buhay ng kanilang kapwa tao. At ito'y hindi na yata mapigilan kailan man. Dahil itoy kinagisnan narin ng mga tao sa ating paligid. Kahit saang sulok ka man magpunta, maririnig mo ang mga panghuhusga o panglalait ng mga tao galing sa kanilang mga bibig. Ang hilig talaga nilang manghusga sa iba, pero hindi naman nila natingnan ang kanilang mga sarili at ang kanilang mga ugali na hindi naman kaaya-aya.

             Ang bullying ay isang gawain na masama, dahil nanghuhusga sila sa iba o inaapi nila ang isang tao na walang ka laban-laban o hindi pa nila alam kung ano talaga ang tunay na estorya ng buhay ng ibang tao. Nangyayari ito madalas sa paaralan, palaruan at kahit saan. Kadalasan sa mga binubuli ay humihinto ng pag-aaral, dahil nagkaroon na sila ng troma o takot na silang pagtawanan ulit ng kanilang mga kaklase. Ang iba ay binubully dahil sa kanilang mga malalaswa na larawan na nakapaskil sa kahit saan. Ang iba binubully dahil sa kanilang mga itsura o physical na anyo. Ang iba naman ay dahil sa kanilang kasarian at ang iba ay galing sa magulong pamilya. Ito ay gawaing hindi na dapat gawin sa bawat araw, oras o minuto. Ngunit marami ang nabebektima sa araw-araw na gawain ng mga nagbubully.

              Dahil sa bullying maraming mga bata ang hindi naniniwala sa kanilang sariling kakayahan. Marami ding mga bata ang nagpapakamatay dahil sa mga sinasabi ng kapwa nila na mga masasamang estorya o panlalait. Libo-libong namamatay dahil sa bullying. Marami nang mga pamilya ang nawalan nang kanilang mga mahal sa buhay. Maraming mga taong hindi maituloy ang kanilang mga pangarap sa buhay.

             Nararapat paba na ipagpatuloy pa natin ang gawaing panghuhusga sa ibang tao? Kung ang gawaing ito naman ay nagdudulot lamang nang sakit sa ating kapwa tao. Ang panghuhusga kailan man hindi ito nagbigay ng magandang dulot sa ating lipunan. Kung hindi, ito ay nagbibigay ng kapahamakan sa buhay ng mga tao. Sabi nga nila ang pagbubully ay cancer na daw sa lipunan.

           Pabayaan nalang manghusga ang ibang tao,dahil ito ay pinaka-mandang paraan , para hindi maapektohan ang isang tao sa pang bubuly. Sa pamamagitan nito maiiwasan natin ang pag laki ng gulo. At sa kanilang mga ginagawa sayong mas binigyan kapa nila ng lakas ng loob para mag sikap at para makuha ang iyong inaasam sa buhay .





  Bloggers:
                  JELIE KAY MERCADO
                  MARK FRANCIS TORCENDE
                  REYNAND ALVIA
                  DANIEL DELA CENA
                  PEDRITO BAJA
                  

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA NAKAKAHIYA AT NAKAKATAWANG PANGYAYARI SA BUHAY