KAIBIGAN
                     BY: Nilo D. Bernas Jr
                                                        Jodybell D. Batoctoy
                                                        Johnbert E. Flores
                                                        John Lyod G. Aringo
                                                        Nathaniel S. Jose


     Ang Blog na ito ay tungkolsa pagkakaibigan.Binabahagi namin ang aming mga karanasan sa pagkakaruon ng mga matatalik at matatapat na kaibigan at sa blog na ito ay tungkol din sa aming mga masasaya at mapait na karanasan sa mga araw na aming pinagsamahan. Sana po'y masiyahan kayo sa pagbabasa sa blog na ito at sana maalalarin ninyo ang inyong mga matatalik na mga kaibigan na minsan din naging bahagi ng inyong mga buhay. Sana masiyahan kayo sa pagbabasa sa blog na taus-pusong isinulat at inihandog namin para sa inyo. :)


     Lahat tayo ay may kanyang-kanyang kaibigan meron tayong kaibigan na RK(Rich Kid),Tanga,Pa Nerd2x,Pumapasok tuwing EXAM lang,Palaging LATE sa klase pero kapag may Okasyon siya pa yong unang dumadating,Palaging Binubuli,Feeling GWAPO,Feeling MATALINO pero na ngungupya lang naman sa katabi,SIPSIP sa Guro,Palabiro pero kapag siya ang binibiro lagi naman siyang napipikon, at higit sa lahat ang hindi mawawala na klaseng kaibigan ay yung mga "PLASTIK" na kaibigan yung tipong subrang bait nila kapag nag uusap kayo pero kapag ika'y nakatalikod ay kung ano anong masasamang bagay ang pinagsasabi tungkol sa iyo yung tipong akala mong subrang bait pero demonyo papala sa nakilala mong demonyo (sakit talaga ng katotohanan) at kung ano ano pang uri ng pagkakaibigan.Kahit ganyan lang ang aking mga kaibigan mahal na mahal ko ang mga mukong yon dahil marami-rami na din kaming masasayang araw na pinag samahan maliban lng sa mga PLASTIK kong kaibigan. ^_^ 



     Sa panahon ngayon, mahirap na mag tiwala sa isang tao lalo na sa mga tao na tingin mo pa lang ay magdududa ka na, Pero hindi naman lahat ng mga kaduda-dudang tao ay hindi mapagkatiwalaan. minsan sa labas na anyo lang tayo tumitingin at hindi sa kalooban nito.Masarap magtiwala sa isang tao lalo na't ikaw rin ay pinagkakatiwalaan nito.Masaya ang mag karoon ng isang kaibigan mapagkakatiwalaan kasi pag may ibinunyag o ikinuwento kang sikreto, siguradong safe na safe ito.Kapag maghahanap kayo ng isang mabuting kaibigan hanapin nyo yung tulad ni DORAEMON yung tipong pag kailangan mo ng tulong o dikaya may hihilingin ka ay tatangihan ka muna, pero tutulungan ka parin pala kasi dika nya matitiis.



     Ang mga kaibigan natin, sila yong nagpapagaan ng ating mga kalooban sa tuwing may problema tayo, may mga panahon talagang parang ibinagsak ang buong mundo sa pagmumukha mo sa dami dami mong mga problema pero andiyan parin sila sa tabi mo para tulungan ka,gabayan ka at higit sa lahat hinding-hindi ka nila iiwan sa eri dahil kaya nilang isakripisyo ang kanilang mga ORAS para ma puntahan at matulungan ka lang. Sabi nga ni SABO na isa sa karakter ng ONE PIECE "JUST REMEMBER. IF LUFFY EVER CALLS FOR MY HELP, NO MATTER WHERE I AM IN THE  WORLD, I'LL BE THERE ~ FORGET MY POSITION!" Sana ganito din tayo kahit saang lupalop ng mundi kaya nating isakripisyo ang ating ORAS para puntahan at matulungan ang ating kaibigan.



     Hindi ko na kailangan pa ng madami pang kaibigan sapat na sa akin ang konting kaibigan kahit ang mga pagmumukha nila ay parang ENDANGRED SPECIES kung lahat naman sila ay tunay na kaibigan at masayang kasama.



     Ang mga kaibigan natin ay Susuporta sayo kahit anong mangyari,Mapagkatiwalaan at hindi ka huhusgahan,Hindisasaktan ang iyong damdamin,Nakakalamuhat natin,Nagtutulongan,Nagdadamayan,Nag-aasaran pero dahil sa kanila mas inspirado tayong pumasok sa paaralan dahil nakikita at nakakasama natin sila. ika nga "SA TUNAY NA KAIBIGAN MO LANG MARARAMDAMAN YUNG KAKAIBANG SAYA,TAWANAN,KULITAN AT ASARAN"



    Dapat natin tandaan, Ang pagkakaibigan ang tanging paraan upang makita ang yaman ng iyong pagkatao.Ang Pangunahing katangian ng Pagkakaibigan ay ang kaniyang pagkakaroon ng kakayahang palaguin ang iyong pagkatao.

Mga Komento

  1. How many slot machines will you find on the Vegas strip - Dr.MCD
    There are over 목포 출장샵 200 slot machines available at every corner 화성 출장안마 of 광명 출장마사지 the Strip. 나주 출장안마 These machines are often used 원주 출장안마 by casino players in Las Vegas.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA NAKAKAHIYA AT NAKAKATAWANG PANGYAYARI SA BUHAY