High School Life

 by: Mariel Progoso, 
         Melcha Relacion, 
            Rosyl Florenosos at
            Khen Melody Tibas


              Sabi nila, ang High School Life ay isang napakagandang panaginip na kung pwede nga lang  mata'y di na didilat. Mula sa kuwento ng ating mga lolo't lola ,papa't mama, tito't tita, at maging kina kuya't ate. Sari-saring kuwento peru't ang pakahulugan ay nag-iisa. Nagbibigay sa kanila ng saya't hanggang tenga na hinding-hindi na mabubura at magmamarka bilang isang magandang alaala. Maeexcite silang ikuwento sa mga anak at maging sa mga apo. Magsisimula ang kanilang kuwento sa ganito.

             High school ka na pala no?Alam mo ba nung kasing edad kita? nung nasa secondarya ako ay napasakaya talaga. Yung mag-aaral kang walang baon, maglalakad sapagkat kapus din sa buhay at pag may nakitang puno ng niyog o bayabas ay agad hihinto, magtatakbuhan, magtutulakan at mag-uunahan papuntang puno ng niyog o bayabas at don mo makikita kung paano sila maging boyscout/girlscout. Dahil sa salita na ang boyscout/girlscout ay laging handa. Tulad na lamang ng pagbibiyak ng niyog gamit lamang ang pagpukpok nito sa matigas na bato at kanya kanyang talon sa puno ng bayabas kahit may mga itim na mga langgam at hindi alintana ang sikat ng araw. Diba high school life experience talaga?

           High school life. Ang high school life ang pinakamasaya, pinakamemorable, at pinakamamimiss na buhay sa mga mag-aaral.

            Ang tinatawag nilang ''freshmen'', Mga estudyanteng kakaapak palang sa pagiging high school. Sila yung mga estudyanteng mga walang problema. Laging tambayan nila ang kantina, koridor o hallway at minsan naman nasa loob lang ng silid-aralanat nagchichismisan. Ang freshmen, sila yung mga estudyanteng medyo mahiyai pa dahil bago palang pero kalaunan sa pagtagal ng panahon matututo narin silang makisalamuha sa iba. Sa ''Sophomore'' o sa ikadalawang bahagi na ng high school, dito nag-uumpisa ang pagiging ''Mature'' ng isang estudyante. Dito ng ''estage'' natututo ka ng magkacrush, magcutting class at dito rin mararanasan ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Ang pinakamagandang nangyari sayo bilang estudyante sa high school ang makroon ng tunay na mga kaibigan. Junior high o ikatlong bahagi na ng high school. Dito sa estage na to kailangan mong pagbutihan ang iyong pag-aaral para sa susunod mas ma-iimprove mo pa ang iyong sarili. Sa junior high din ang pinakaexcited na pangyayari sa buhay ng isang estudyante dahil may junior prom kung tawagin na nagaganap. Dito maaari mog makasayaw ang crush mo at masabi ''ang swerte ko,nakasayaw ko sya''. Sa last stage o senior high dito na nag-uumpisa ang tinatawag nilang ''paghihirap ng bawat estudyante''. Dahil para kang pini-presure ng mga gawain sa paaralan. Kaliwat kanan ang proyekto, sabay-sabay na mga performances at kabilat kabila ang mga pagsusulit, exams, at takdang-aralin. Sa pagiging senior high kailangan mong maging isang modelo o lider ng mga estudyante dahil ginagaya o sinusunod ka ng mga estudyante na mas higit nakababata sayo. Sa buhay high school may mga tao kang makakasalamuha na naging gabay sa buhay. Mga gurong tagabigay ng mataas na marka at mga tapat na kaibigan na sumusuporta. Mga hiyawan pag may alitan,mga tawanan pag nagbibruan,chismisan na walang katapusan at kiligan pagnakita ang unang minahal. Mga kaibigan na malapad na noo, pandak, matakaw, baliw, mayroong fashionista, mayroon ding mga kaibigan na mahilig mang-asar at matatalino.


            Bilang isang pagtatapos sa pagsusulat ng blog ito ang tanging maiiwan naming mensahe sa inyo ay ... ''Bilang isang nasa secondarya, hindi importante kung saan ka man napabilang sa mga estudyante at mas mahalaga ay napahalagahan mo at mas lalong hindi rin importante kung saang paaralan kaman, publiko o pribado man nanggaling ang mas importante na pahalagahan mo ang iyong mga kaibigan at mas nabigyan mo ng tuong pansin ang iyong pag-aaral. At higit sa lahat nabigyan mo ng magandang regalo ang iyong mga magulang, ang ''DIPLOMA''.




Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MGA NAKAKAHIYA AT NAKAKATAWANG PANGYAYARI SA BUHAY