Pagkakaibigan_ni April,Maureen,Mylene at Verly
PAGKAKAIBIGAN
Sa panahon ngayon mahirap humanap ng kaibigan, isang tunay na kaibigan na mamahalin ka, proprotektahan ka,at totoo ang turing sa iyo.Marami mn tayong nakasasalumuha araw-araw kahit hindi mo alam ang kanilang pangalan,tinuturing mo parin silang kaibigan.Ang tanong,ganon din ba ang turing sa iyo o nag turing-turingan lang sila?Oo marami tayong kaibigan na maituturing,ngunit totoo nga ba?Araw-araw may nakilala ka, may makakakwentuhan ka at asaran pa.Sa libo-libung tao sa mundo mahirap humanap ng totoo na kaibigan,yung tipong nandyan sila palagi, inaasar ka,patatawanin ka,at papaiyakin ka dahil "kung wala ang isa hindi kompleto ang tropa".Sa bawat araw,buwan,taon hindi mawawala ang tampuhan,ngunit sa bawat tampuhan mayroon kang natutunan.Hindi mawawala sa pagkakaibigan ang ganoong sitwasyon pero huwag nating hahayaan na palagi natin itong nararanasan at humantong sa pag-aawayan.Sa dinami-daming tao,natagpuan ko ang tunay na kaibigan at napakasaya ko dahil sila lang iyong masasabihan at masasandalan ko,kahit anong drama pa iyan sasakyan ka patatawanin ka.'Yung tawa na halos maiyak ka,ang sakit na ng bunganga at parang na iihi ka.Ang kaibigan mo lang kasama sa tawanan kundi pati narin sa problema at iyakan.Isa lang ang masasabi ko pag may kaibigan ka,"pahalagahan mo at ituring mong isang pamilya."
Ako ay isa sa sa mga taong mapalad na nakahanap ng mga tunay na kaibigan.Mga taong maituturing mong isang pamilya at maaasahan mong karamay ka sa panahon ng sakuna.Sa hirap at ligaya,sa bawat pag luha pag durusa...May kaibaigan akong matatakbuhan at ako'y mauunawaan.Mga kaibigang kasalo ko sa bawat saya at lungkot at kwento ng aking buhay.Nakilala ko ang aking mga kaibigan noong ika-siyam na baitang.Masaya,magulo at puro tawa lang ang unang pagkakakilanlan sa kanila.Enjoy-enjoy lang noong una,ngunit paglipas ng panahon ay napamahal ako sa kanila.Tunay at totoo,iyan ang aking nararamdaman na kanilang pagtrato.Sa aking bawat tawa at ngiti,ako ay may mapagkukuwentuhan sa aking bawat pighati.
Iba-iba man ang aming ugali,nananalaytay naman ang aming pag uunawaan sa isa't-isa.Kaibiagan na nandyan lagi kahit kailan mo kailangan,kaibigan na nasasabihan mo ng problema sa iyak at lungkot na iyong nararanasan.Kaibiagan na tinuturing kang pamilya,kaibigan na may magsasabi sayo na parang magulang mo,kaibigan na nagbibigay sayo ng lakas,kaibigan na papangitiin ka kung malungkot ka,kaibigan na kasama mo sa pagkain na may kasamang harutan at tawanan,kaibigan na nakasama mo sa lahat ng trip,"food trip" hang-out "swimming trip",kahit anong trip basta kasama mo ang tunay mong kaibigan,lahat ng yan naranasan ko sa mga kaibigan ko kaya ako'y nagpapasalamat dahil sila ang aking nakilala "kahit walang boyfriend,basta may bestfriend...kumpleto na."
Marami na kaming pagsubok na hinarap,pagsubok na akal naming hindi malalampasan,mga pagsubok na magpapatatag sa aming samahan at pagkakaibigan.Ngunit sa pagsubok na iyon ay mas lumawak pa ang aming pagsasama bilang isang tunay na kaibigan.Mga kaibigan na naging pangalawa mong pamilya at higit pa sa kapatid ang turing mo sa kanila.Kaibiagan na naging inspirasyon mo araw-araw sa tuwing ikaw ay papasok sa paaralan,kaibigan na lagi mong makakapitan sa tuwing ikaw ay nahihirapan,kaibigan na nagpapasaya sa iyo sa tuwing sasapit ang iyong kalungkutan,at kaibigan na siyang masasandalan mo sa lahat ng iyakan ng iyong buhay.Sapagkat,kaibigan rin ang wawasak sa lahat ng ito kung hindi kayo marunong magpahalaga at makuntento sa kung anong merong kayo.Iisa lang ang masasabi ko..."Mahal na mahal ko kayo higit pa sa inaakala niyo at naging masaya ang buhay ko dahil nakilala ko ang katulad niyo."
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento